Paglalabas ng halos ₱43 billion na health insurance para sa mga senior citizen, pinuri sa Kamara

Ikinalugod at pinasalamatan ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang paglalabas ng Department of Budget and Management ng ₱42.931 billion na health insurance premiums na pakikinabangan ng nasa 8.5 million enrolled senior citizens.

Diin ni Ordanes, ipinakikita nito ang patuloy na pagmamalasakit ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa nakatatandang populasyon ng bansa.

Nagpasalamat din si Ordanes sa walang humpay na pag-intindi sa kapakanan ng mga senior citizen ng Mababang Kapulungan sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez.


Umaasa rin si Ordanes na mailalabas na ang implementing rules and regulations para sa Expanded Senior Citizen Pension kung saan mula ₱500 ay tumaas o nadoble sa ₱1000 ang buwanang pensyon ng mga mahihirap na senior citizens.

Tiniyak din ni Ordanes na kanilang tututukan sa Kamara ang iba pang mga panukalang batas na magkakaloob ng dagdag na benepisyo at pribilehiyo sa mga senior citizen.

Facebook Comments