Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na ibigay sa mga healthcare workers ang nararapat para sa kanila.
Ito ay sa harap ng panawagan ng ilang nurses sa Department of Health (DOH) na ilabas ang hazard pay sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, binigyang diin ni Robredo ang kahalagahan ng pagbibigay ng insentibo lalo na at nagbubuwis ng buhay ang mga health workers para alagaan ang kanilang mga pasyente.
Iginiit ni Robredo na nararapat lamang na nababayaran ng tama ang mga health workers.
Naniniwala si Robredo na hindi tatalikuran ng mga healthcare workers ang kanilang sinumpaang tungkulin.
Punto rin ng bise presidente, maraming buhay ng health workers ang kinikil ng COVID-19.
Kaya bigo ang pamahalaan na makumbinsi ang mga health workers na magtrabaho sa bansa dahil hindi nila maibigay ang mga pangangailangan nito at tamang kompensasyon.