Paglalabas ng internet load para sa mga guro, pinamamadali ni Senator Angara sa DepEd

Pinamamadali ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara sa Department of Education (DepEd) ang pagbibigay ng internet load sa mga guro.

Mensahe ito ni Angara DepEd sa harap ng hinaing ng mga guro na nahihirapan sa personal na budget para sa kanilang pamilya dahil sa kanilang dagdag gastusin sa internet.

Paalala ni Angara, malapit ng mapaso o hanggang June 30 na lang ang effectivity ng Bayanihan 2 na naglalaan ng P4 billion na alokasyon sa DepEd para sa digital infrastructures and altrnative modalities.


“We have heard that the DepEd will now be providing connectivity load to their teachers worth 30 to 35GB worth of data a month starting in June. This should be done with haste especially with the Bayanihan 2 extension expiring on June 30,” ani Angara.

Base sa nakuhang record ni Angara ay nasa 1.28 percent pa lamang ng nasabing budget ang aktwal na nagagamit.

Dismayado si Angara, dahil bukod sa nabanggit na 4-billion pesos ay hindi pa rin nagagamit ang 300-million pesos sa ilalim ng Bayanihan 2 na para sa subsidy at allowance ng mga kwalipikadong estudyante.

“Ang dami na natin nabalitaan tungkol sa mga guro na nahihirapan na sa kanilang budget dahil sila pa ang gumagastos para sa kanilang mga load. Dapat na mabigay na agad sa kanila ang load para sa data lalo na’t matagal na naman nandiyan ang budget para dito,” sabi ng mambabatas.

“Both our teachers and students have encountered difficulties in alternative and distance learning. We should provide them with all possible assistance to cope with these challenges until face-to-face learning is once again allowed in the country,” dagdag pa ni Angara.

Binanggit ni Angara na maari ding pagkunan ng DepEd para sa connectivity requirements ng mga guro ang budget ngayong taon kung saan may nakalaan para maintenance and other operating expenses at mayroon din silang cash allowances.

Facebook Comments