Paglalabas ng IRM sa mga hospital bago ang Hunyo 11, illegal ayon sa PhilHealth official

Iginiit ni PhilHealth Senior Vice President Rodolfo Del Rosario Jr. na ang paglalabas ng cash advance sa mga ospital bago ang June 11 ay itinuturing na ilegal.

Ito ang iginiit ng PhilHealth executive matapos siyang kwestyunin ni 1-SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta.

Nakasaad sa PhilHealth Circular kung saan sakop ang paglalabas ng advance payments o Interim Reimbursement Mechanism (IRM), magiging epektibo lamang ito matapos mailathala sa mga pangunahing pahayagan at pagkakaroon ng kopya ang Office of the National Administrative Register (ONAR) ng University of the Philippines (UP) Law Center.


Sinabi ni Marcoleta, natanggap lamang ng ONAR ang kopya ng PhilHealth IRM Circular noong June 11, bagay na kinumpirma ni Del Rosario.

Sa panig ng Commission on Audit (COA), ang PhilHealth ay nagawang makapag-liquidate ng P1 billion ng P14 billion na halaga ng IRM.

Facebook Comments