Nanindigan ang Palasyo na walang inilababas na kautusan ang Inter-Agency Task Force (IATF) na nagmamandato sa pagbabakuna.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang IATF Resolution #148B ay nagsasabing required ang pagbabakuna para sa mga onsite workers o personnel mapa pribado man o gobyerno.
Pero ang mga eligible employees na hindi magpapabakuna ay hindi dapat mawalan o matanggal sa trabaho.
Nakasaad pa sa resolusyon na kapag ang on site personnel ay tumangging magpabakuna ay binibigyan ito ng opsyon na magpa swab test regulary pero mula sa sarili nitong bulsa.
Kung kaya’t wala aniyang sapilitan at hindi minamandato ng gobyerno ang pagbabakuna.
Reaksyon ito ni Nograles makaraang sabihin ng grupong COVID-19 Call to Humanity (CCH) na maghahain sila ng kaso laban sa pamahalaan dahil sa pagpilit sa mga pilipino na magpabakuna.