Paglalabas ng listahan ng mga bilihing papatawan ng price freeze, pinamamadali ng isang senador

Pinamamadali ni Senator Francis Tolentino ang paglalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ng listahan ng mga bilihin na papatawan ng price freeze sa gitna pa rin ng epekto ng El Niño sa bansa.

This slideshow requires JavaScript.

Unang inihayag ng DTI na maraming manufacturers ang handang magpatupad ng boluntaryong price freeze sa mga pangunahing bilihin matapos na manawagan dito ang senador tatlong linggo na ang nakalipas.


Ikinatuwa ni Tolentino ang pagsangayon ng DTI sa kanyang panawagan na magpatupad ng price control measures sa gitna pa rin ng patuloy na nararanasang El Niño sa bansa.

Ayon kay Tolentino, baka sakaling maihabol pa ang price freeze sa mga bilihin kahit pa ilang linggo na lang ang itatagal ng El Niño.

Pinabibilisan na ng senador sa ahensya ang pagbibigay ng kopya sa lahat ng mga Local Government Units (LGUs) at regional offices para sa mabilis na implementasyon at monitoring ng presyo ng mga produktong papatawan ng price control.

Tiwala si Tolentino na malaking tulong ang price freeze sa mga pangunahing bilihin para sa mga kababayan lalo na sa mga lugar na hindi naman deklaradong nasa state of calamity pero nahihirapan din sa epekto ng El Niño.

Facebook Comments