Manila, Philippines – Hindi maglalabas ng Narcolist ang Philippine National Police sa halip ipauubaya nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa harap na rin nagpapatuloy na Campaign period kaugnay sa gaganaping midterm election sa Mayo.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, katuwang lamang sila ng PDEA sa pagsasagawa ng validation pero ang pangulo ang magdedesisyon kung isasapubliko nito ang Narcolist.
Ngunit sinabi ni PNP Chief na karamihan sa mga Narco politicians ay mga Brgy Chairman, Mayor at kongresista na tatakbo ulit sa midterm election o reelectionists.
Mayroon raw hawak na listahan ang PNP pero ito ay ang counter intelligence watchlist nila na kinasasangkutan ng mga pulis at mga Non-uniformed personnel.
Payo naman ni Albayalde sa mga Narco Politicians na makabubuti na umamin nalang ang mga ito bago pa ipatupad ang search warrant laban sa kanila.