Paglalabas ng P5,000 cash allowance sa mga guro para sa SY 2021-2022, aprubado na ng DepEd

Pinayagan ng Department of Education (DepEd) ang maagang paglalabas ng ₱5,000 cash allowance para sa mga guro bago magsimula ang School Year (2021-2022).

Ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, ang cash allowance para sa implementing units ng kagawaran na mayroong available cash allocation ay maaari nang ilabas o ibigay sa mga eligible teachers.

Dapat ding tiyakin ng DepEd Regional Offices (ROs) na maibibigay ang cash assistance ay dapat maiproseso at mailabas agad sa School Division Offices (SDOs) sa lalong madaling panahon.


Ang mga ROs at SDOs ng DepEd ay magpapadala ng request sa Department of Budget and Management (DBM) para sa cash allocation.

Nais ni Education Secretary Leonor Briones na ilabas ang nasabing benepisyo para sa mga public school teachers para sa patuloy na paghahatid ng basic education ngayong krisis.

Ang 5,000 pesos cash allowance ay nakalaan para sa pagbili ng teaching supplies at materials, pagsasagawa ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo, internet, at iba pang communication expenses, at para sa kanilang annual medical examination expenses.

Hindi sakop ng cash allowance ang mga public school teachers na walang teaching load, absence without leave, o mga naka-indefinite leave of absence, maternity leave, study leave, o guilty sa anumang paglabag na may kinalaman sa trabaho, o ang mga wala na sa serbisyo.

Ang School Calendar ay hindi pa naaaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments