Paglalabas ng pangalawang tranche ng Interim Reimbursement Mechanism para sa mga ospital sa bansa, pinag-aaralan na

Ikinokonsidera na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang paglalabas ng pangalawang tranche ng Emergency Cash o Interim Reimbursement Mechanism (IRM) na tutulong sa mga ospital sa bansa sa pagtugon sa tumataas na bilang ng mga COVID-19 patients.

Ayon sa PhilHealth, magkakaroon ng pag-review sa mga hospital utilization nitong first tranche na gagawing basehan para sa nakatakdang second tranche.

Angkop ang IRM funds sa mga ospital na nasa high concentration areas, tulad ng National Capital Region, Regions 3, 4 at 7 na may limitadong bilang ng bed capacity o naabot na ang full capacity nito.


Sa ngayon, aabot na sa kabuuang 14.7 bilyong piso ang nailabas na ng PhilHealth sa 681 ospital sa buong bansa nitong first tranche, kung saan 52 percent dito ang sa mga private institutions, 29 percent sa NCR, 8 percent sa CALABARZON at Central Luzon na 7 percent.

Facebook Comments