Matatagalan pa ang Commission on Elections (Comelec) bago mailabas ang pinal na listahan ng mga tatakbong kandidato para sa 2022 national at local elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, posibleng sa kalagitnaan pa ng buwan ng Disyembre nila mailalabas ang pinal na listahan dahil na rin sa mga nakabinbin pang reklamo gaya ng kanselasyon ng mga Certificate of Candidacy (COC) sa ilang mga kandidato.
Kabilang na aniya rito ang mga tatakbo sa pagkapangulo, bise presidente, senators at partylist representatives.
Nauna nang sinabi ni Jimenez na 91 ang mga petisyon na tatalakayin ng komisyon bago ang final printing ng mga balota sa Disyembre.
Facebook Comments