Paglalabas ng poll honoraria allowances bago o sa Mayo 24, titiyakin ng DepEd

Pinasalamatan ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang mga guro at school personnel na nagsilbi sa katatapos lang na 2022 national and local elections.

Kaugnay nito, tiniyak ng kagawaran na sinisikap nilang masuklian ang katapangan at dedikasyon ng mga guro sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa Comission on Elections (COMELEC) para sa pagri-release ng kanilang poll honoraria at iba pang allowances bago o sa Mayo 24.

Kikilalanin din ng kagawaran ang limang araw na service credit para sa mga nagsilbing miyembro ng electoral boards at DepEd Supervisor Official (DESO) at kanilang support staff.


Maliban dito, humiling na rin ang DepEd Election Task Force, sa pangunguna ni Undersecretary Alain Pascua at Director Marc Bragado, ng dagdag na P3,000 across the board para sa mga guro na nag-overtime dahil sa mga aberya sa vote counting machines (VCMs) at SD cards.

Facebook Comments