Paglalabas ng pondo para sa MSMEs sa ilalim ng Bayanihan 2, pinamamadali

Pinamamadali ni Deputy Majority Leader Bernadette Herrera ang paglalabas ng pondo para sa mga micro-small and medium enterprises (MSMEs) na apektado ng pandemya sa ilalim ng Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act bago pa man ito mapaso sa Disyembre 19.

Sinabi ni Herrera na kailangang matiyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na mapapakinabangan ng mga MSMEs ang P10 bilyon na alokasyon para sa COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES).

Inilaan aniya ng Kongreso ang pondong ito para tulungan ang mga naghihikahos na MSMEs na ipagpatuloy ang kanilang mga operasyon at mabayaran ang mga empleyado.


Batay sa DTI, sa P10 bilyon na pondo para sa CARES ay P8 bilyon dito ang naibigay na sa SBCorp. upang mapautang sa pinakamababang interest rate ang mga maliliit na negosyo at ang industriya ng turismo.

Ngunit sa inaasahang 100,000 enterprises na makikinabang dito, 6,600 loans pa lamang ang naaaprubahan na katumbas ng P1.2 bilyon habang 26,000 CARES loan application ang nakabinbin pa sa SBCorp.

Facebook Comments