Paglalabas ng resolusyon sa mga PUV modernization program, pinamamadali ng isang senador

Pinamamadali ni Senator Francis Tolentino, ang paglalabas ng resolusyon tungkol sa mga isyu kaugnay sa Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) na nakakaapekto sa mga Filipino jeepney drivers at operators.

Giit ni Tolentino, kailangan na harapin ang isyu ng PUV Modernization at mahalagang malaman ng taumbayan ang solusyon sa naturang problema.

Binigyang diin ni Tolentino na kailangan ng modernization na tutugma sa bulsa ng mga tsuper at operators.


Suportado rin ng senador na mabigyang linaw ang iba pang mga options o pagpipilian upang maresolba ang mga isyung kaakibat ng PUVMP.

Samantala, umapela naman ang ilang mga local vehicle manufacturers ng full-electric jeepney units na bigyang pagkakataon ng gobyerno ang mga gawa rito sa bansa na kayang mag-comply at mas mura kung ikukumpara sa mahigit ₱2 million na unit sa ibang bansa.

Facebook Comments