Naka-focus ang pamahalaan ngayon sa pagtugon sa mga pangangailangang may kaugnayan sa paghagupit ng Bagyong Rolly.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque nang matanong tungkol sa paglalabas o pagsasapubliko sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Roque, saka na lamang pag-usapan ang SALN ng Pangulo.
Matatandaan noong isang linggo, sinabi ni Roque na siya na mismo ang magtatanong kay Pangulong Duterte kung willing ba itong i-disclose ang kaniyang SALN.
Pero dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly, ang sentro ngayon ng diskusyon sa gobyerno ay kung papaano matutulungan ang ating mga apektadong kababayan.
Una nang iginiit ng Palasyo na walang itinatago ang Punong Ehekutibo, kinakailangan lamang aniyang sumunod sa mga panuntunan ng Office of the Ombudsman kung nais makakuha ng kopya ng SALN ni Pangulong Duterte.