Paglalabas ng Service Recognition Incentive ng mga kawani ng gobyerno, tiniyak ng Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na may magandang balita para sa mga empleyado ng gobyerno kaugnay ng Service Recognition Incentive (SRI).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na abangan na lamang ang Executive Order na ipalalabas ng Malacañang para sa SRI na ibibigay sa mga kawani ng pamahalaan.

Bagama’t wala pang detalyeng ibinigay ang Palasyo kung magkano at kailan eksaktong maipapamahagi ang insentibo, tiniyak ni Castro na may “good news” na darating para sa mga government workers.

Noong nakaraang tatlong taon, ₱20,000 ang natanggap na SRI ng mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno.

Ang SRI ay isang one-time incentive bilang pagkilala sa sipag, serbisyo at dedikasyon ng mga lingkod-bayan.

Facebook Comments