Pinag-aaralan ng Department of the Interior and Local Government Unit (DILG) kung kailangan pang maglalabas ng show cause order laban sa mga lokal na pamahalaan na may mababang antas ng bakunahan.
Ayon kay DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, ito ay isang komplikadong sitwasyon dahil may mga lugar sa bansa na sadyang mababa ang vaccination rate tulad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Dahil dito ay nagsasagawa sila ng konsultasyon at dayalogo sa mga religious leader, imam, at iba pang opisyal ng BARMM upang matutukan ang pagtugon sa vaccine hesitancy ng mga residente nito.
Dagdag pa ni Malaya na sa halip na maglabas ng show cause order ay mas gugustuhin nilang magsagawa ng pro-active measures.
Matatandaang pinagsusumite ng report ni DILG Sec. Eduardo Ano ang lahat ng lokal na pamahalaan hinggil sa kanilang bakunahan upang makita kung anong mga lugar ang may mababang vaccination rate at pagpapaliwanagin ang mga gobernador at alkalde nito.