Paglalabas ng travel advisory ng UK normal lang – Sec. Lorenzana

Manila, Philippines – Wala nang nakikitang indikasyon si Defense Secretary Delfin Lorenzana na muling makakapagsagawa ng pagpapasabog ang mga local terror group katulad ng nangyari sa Cotabato City.

Pahayag ito ng kalihim kasunod ng inilabas na travel advisory ng United Kingdom para paalalahanan ang kanilang kababayan sa bansa na mag-ingat dahil sa posible pang maganap na pagsabog.

Ayon kay Secretary Lorenzana, normal lang ang inilabas na travel advisory ng United Kingdom bilang pagprotekta sa kanilang mga kababayan.


Malimit na aniyang ginagawa ito at isa nalang lamamg ordinaryong hakbang.

Ginagawa rin aniya ito ng Pilipinas sa ibang bansa na may nagaganap na gulo o karahasan upang paalalahanan ang mga kapwa Pilipino.

Matatandaang sa nangyaring pagsabog sa harap ng isang mall sa Cotabato City 2 ang napatay habang umabot sa 40 ang sugatan.

Hinala ng mga awtoridad kagagawan ito ng ISIS inspired local terror group.

Facebook Comments