Paglalabas sa ₱7.4 billion yearend bonus para sa mga PNP personnel, aprubado na

Inaprubahan na ng Philippine National Police (PNP) ang paglalabas ng 7.4 billion pesos para sa 2019 yearend bonus ng higit 200,000 police uniformed at non-uniformed personnel sa buong bansa.

Ayon kay PNP OIC, Lt/Gen, Archie Francisco Gamboa – ang year-end bonus ay katumbas ng monthly basic salary ng kada personnel.

Maliban dito, mayroon pang mandated 5,000 pesos cash gift mula sa national government.


Pero nilinaw ni Gamboa – ang yearend bonus ng PNP personnel na may nakabinbing kasong kriminal at administratibo ay naka-“on-hold.”

Samantala, ang PNP personnel na hindi pa naka-enroll sa ATM payroll system ay makakatanggap ng tseke sa pamamagitan ng kanilang regional finance service offices.

Facebook Comments