Sa Barangay Rosario, Lingayen, Pangasinan, ang paglalaga— ang tradisyunal na paghabi ng bilao mula sa kawayan ay isang buhay na sining na nag-uugnay sa kanilang komunidad.
Sa kasalukuyan, mahigit 40 katao, kabilang na ang mga bata, ang kasali sa pagtutulungan kung saan bukod sa kabuhayan, nagiging sandigan din ito ng pamilya at kultura. Ang proseso ng paglalaga ay masusing ginagawa, pumipili ng tamang kawayan, hinihiwa, at pinatutuyo bago hinahabi ng kamay.
Sa gitna ng modernisasyon, nananatili ang halaga ng mga bilao bilang tunay, likas, at mas matibay na alternatibo kumpara sa plastik.
Para sa mga residente sa Barangay Rosario, ang paglalaga ay higit pa sa hanapbuhay, ito ay sagisag ng kanilang pagkakakilanlan at pagkakaisa na ipinagmamalaki at ipinapasa nila mula henerasyon sa henerasyon.









