Paglalagay muli sa NCR Plus sa ‘bubble’, tatalakayin sa pulong ng IATF bukas

Magpulong bukas, Hulyo 22 ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kaugnay sa gitna ng banta ng Delta variant.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Epimaco Densing, kasama sa kanilang pag-uusapan ang mungkahing muling magpatupad ng “bubble policy” sa NCR Plus.

Kasama rin sa pag-uusapan aniya ang mga ipinatutupad na preventive measures ng mga lokal na gobyerno.


“Bibigyan-tugon po namin ang suggestion na iyan ng OCTA Research. Magkakaroon po tayo ng IATF meeting ngayong Huwebes at masasama po iyan sa ating agenda para pag-usapan, at para makita na rin natin iyong ating mga preventive measures or preventive health protocols sa mga lokal na gobyerno,” pahayag ni Densing.

Matatandaang iminungkahi ng OCTA Research Group ang pagpapatupad muli ng bubble policy sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na naging epektibo nang sumirit ang kaso ng COVID-19 at naiwasang kumalat sa mga kalapit na lalawigan.

Facebook Comments