Paglalagay ng 7,000 charging station para sa mga e-vehicles, target ng DOE na maabot hanggang 2028

Target ng Department of Energy (DOE) na makapagpatayo ng nasa 7,000 charging stations sa buong bansa para sa mga electric vehicle.

Kasunod na rin ito ng pagdami ng tumatangkilik ng electric vehicle sa buong bansa.

Ayon sa DOE, sa ngayon ay nasa 1,100 nang charging stations ang naitayo ng DOE.

Ang target ng Energy Department ay kasunod na rin ng panghihikayat ng pamahalaan na gumamit ng e-vehicle na mas matipid at malaki ang tulong sa kalikasan.

Sa ilalim ng Charging Infrastructure Development Plan, isang comprehensive road map ang binuo ng DOE para sa E-V industry.

Kabilang na rito ang pagbibigay ng option sa mga charging station providers na kumuha ng kuryente sa pamamagitan ng pagtatayo ng renewable energy onsite.

Target kasi ng DOE na pagsapit ng 2032 ay 25% sa mga charging stations ay renewable energy na ang gamit at 100% na pagsapit ng 2040.

Facebook Comments