PAGLALAGAY NG BAGONG AIRCON SA MALIMGAS MARKET SA DAGUPAN CITY, KASADO NA

Nilagdaan na ni Dagupan City Mayor belen Fernandez, ang planong pagkakabit ng bagong airconditioning system sa bahagi ng Malimgas Public Market.

Inaasahan na magiging mas komportable at preskong lugar ng kalakalan ang pamilihan para sa mga stall owners, manlalako at mga mamimili.

Ayon sa ilang stall owners, makatutulong ito na maging mas maayos at magaan sa pakiramdam ang pamimili na posible pang dayuhin at makapagtawag ng mas maraming customer.

Inaasahan din na mapapanatili ang kalidad ng mga produktong iniaalok tulad ng mga gown at iba pang dry goods na nangangailangan ng mas malamig na temperatura upang malayang makapili ang mga bisita.

Araw-araw, isa ang Malimgas Public Market sa takbuhan ng mga mamimili sa Dagupan City para sa iba’t-ibang produkto kaya ayon na rin sa ilang mamimili, mainam lamang ang paglalagay ng aircon sa pamilihan.

Facebook Comments