Paglalagay ng bakod o fence sa motorcycle lanes sa EDSA, pinag-aaralan ng MMDA

Pinag-aaralan ng gobyerno na maglagay ng bakod o fence para sa Motorcycle Lane sa EDSA.

Bagamat may sariling linya sa kalsada ang mga motorsiklo, ginagamit din ito ng iba pang sasakyan.

Ayon kay MMDA Operations Manager Bong Nebrija, maraming motorcycle rider ang hindi gumagamit nito.


Aminado rin sila na wala silang manpower para pilitin ang mga motorsiklo na huwag umalis sa kanilang linya.

Sa ngayon, may mga draft para sa motorcycle lane na ginawa ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments