Paglalagay ng Barrier sa mga Motorsiklo sa Cotabato City hindi na kailangan pa!

Hindi na obligado na maglagay pa ng Protective Physical Barrier ang mga motorcycle rider sa Cotabato City.

Sinasabing nakakasagabal lamang ito sa backrider lalo na sa mga motorcycle rider, maaring magiging sanhi lamang ito ng disgrasya, at maaring magpapahirap lamang ito sa pag gas-up bukod pa sa dagdag lamang sa gastos para sa mga may -ari ng motor ayon pa kay Public Safety Officer Retired General Rolen Balquin sa panayam ng DXMY.

Kaugnay nito, mahigpit namang ipapatupad ang pagpapasuot ng gloves at facemasks sa mga magiging backrider.


Bukod sa mag-asawa at maglive – in partner, pinapahintulutan na rin ng City Task Force na umangkas ang mga naninirahan sa iisang bubong maging ang mga PWD.

Patuloy naman ang pagpapaalala ng City Government sa publiko ng pag-iingat kasabay pa rin ng banta ng Covid-19.

Samantala, nagpapatuloy rin ang kampanya ng City Police kontra sa mga pasaway na mga motorista sa syudad, lalo na sa mga nagmamaneho ng walang lisensya, walang kaukulang dokumento at mga lumalabag sa trapiko.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments