Paglalagay ng bike lanes sa lungsod ng Maynila, hindi pa mapag-desisyunan ng lokal na pamahalaan

Aminado si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na hindi pa siya makapag-desisyon pagdating sa usapin ng paglalagay ng bike lanes sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Mayor Isko, maaaring magtalaga ang national government ng mga bike lane sa lungsod pero kinakailangan na ipaubaya sa lokal na pamahalaan ang pagdedesisyon nito.

Sinabi pa ng alkalde na bagama’t maganda ang konsepto, kailangan pa rin pag-aralang maigi ang paglalagay ng bike lanes.


Nabatid kasi na hangad ni Mayor Isko na unahin ang kaligtasan ng publiko lalo na’t higit 4,000 trucks ang dumadaan sa kalsada ng Maynila araw-araw.

Naniniwala rin ang alkalde na hindi handa ang mga motorista ng pribado at pampublikong sasakyan, partikular na ang mga trucks para sa bike lanes.

Facebook Comments