Paglalagay ng boya sa ilang bahagi ng West Philippine Sea, pagpapakita ng malakas na presenya ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone ayon sa PCG

Matagumpay na nakapaglagay ng boya sa limang lugar sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) ang Philippine Coast Guard (PCG) sakay nang kanilang limang barko.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PCG Maritime Safety Services Command Vice Admiral Joseph Coyme, na ang mga boyang ito ay magsisilbing navigational safety para sa mga bangka at barko na naglalayag sa lugar.

Ito aniya ay marker dahil mayroon itong marka ng bandila ng pilipinas, pagpapakita ng malakas na presensiya ng bansa para sa pangangasiwa sa mga features na kinalalagyan nito sa loob ng Exclusive Economic Zones (EZZ) ng bansa.


Sinabi pa ng opisyal, magsisilbi rin itong proteksyon ng mga mangingisda dahil maari silang sumilong pansamantala sa natukoy na fishing grounds kapag naipit sa masamang panahon.

Pagbibigay diin ni Coyme na hindi lamang Pilipinas ang makikinabang sa mga boya na ito sa halip maging ang ang iba pang mga gumagamit sa nasabing bahagi ng karagatan.

Umabot naman ng isang linggo ang ginuguol na panahon ng mga barko ng PCG at Bureau of Fishery and Aquatic Resources (BFAR) sa paglalagay ng boya sa limang tinukoy na parte ng WPS.

Facebook Comments