Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay BPLO Officer Atty. Sherwin De Luna, kasalukuyan aniya ang kanilang ginagawang pag-iikot sa Poblacion katuwang ang mga kasapi ng PNP Cauayan upang mag-inspek sa mga establisyimento kung sumusunod ba ang mga ito sa ordinansa.
Sa ilalim ng ordinansa, inoobliga ang lahat ng mga business establishments lalo na ang mga malalaking negosyo gaya ng mga gasoline stations, bangko, pawnshop, supermarket at grocery stores na maglagay ng pang-monitor o mga CCTV Camera.
Base naman sa kanilang pag-iikot sa mga establisyimento dito sa Poblacion ay marami pa rin sa mga gusali ang walang naka install na CCTV Cam habang yung iba naman ay hindi na gumagana.
Sa mga naikutan at nainspek naman ng grupo na walang CCTV, ay bibigyan ng Notice to Comply ang may-ari ng gusali at kinakailangang tumugon sa loob ng 10 days simula sa araw na natanggap ang abiso.
Kung hindi naman nag comply ang may-ari ng establisyemento, papatawan na ito ng kaukulang penalty o di kaya’y posibleng ipasara ang negosyo at non-renewal ng business permit.
Ayon pa kay De Luna, mahalaga aniya na mayroong nakalagay na CCTV sa loob at labas ng establisyimento dahil malaking tulong ito sakaling may naganap na pagnanakaw, pamamaril o pagpatay o anumang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at malaking tulong din sa hanay ng kapulisan para magkaroon ng ebidensya sa kanilang gagawing imbestigasyon.
Paalala naman sa mga magpapalagay ng CCTV na may dalawa o higit pa dipende sa laki ng establisyimento ang ikakabit na CCTV at siguraduhing laging gumagana.
Bukod dito, ipinanawagan din sa mga business owners na magpapa-install ng CCTV Camera na dapat maganda ang kalidad at malinaw ang kuha nito.