Paglalagay ng CCTV sa lahat ng paaralan sa buong bansa, isinulong sa Kamara

Pinalalagyan ni Pinuno Party-list Rep. Howard Guinto ng CCTV ang lahat ng paaralan sa buong bansa upang mapalakas ang seguridad at paglaban sa krimen.

Nakapaloob ito sa House Bill 9260 o panukalang Campus Security Act na inihain ni Guinto bilang tugon sa apela ng Commission on Human Rights noong January 2023 sa gobyerno na magpatupad ng mas mahigpit na seguridad para sa mga mag-aaral at guro.

Ito ay dahil sa nakakabahalang pagtaas ng mga insidente ng karahasan at krimen sa mga paaralan tulad ng pananaksak, aksidenteng pagkakabaril at bomb threat.


Sa ilalim ng panukala ay oobligahi ang mga eskuwelahan na ipaalam sa mga magulang, estudyante at kanilang empleyado ang kanilang security policy.

Base sa panukala, kukunin ang pondo sa CCTV installation at pagpapatupad ng security plan sa taunang budget ng Department of Education at Commission on Higher Education.

Facebook Comments