
Iminumungkahi sa bayan ng San Manuel ang paglalagay ng kaukulang CCTV sa lahat ng silid-aralan upang tugunan ang madalas umanong insidente ng bullying sa mga paaralan.
Base sa online post ng alkalde, hinihikayat nito ang mga magulang na pahintulutan ang pagpapanukala nito para mabantayan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro sa loob ng mga silid-aralan.
Ibinahagi na umano ng tanggapan ang plano nitong proyekto na popondohan ng lokal na pamahalaan ngunit labag umano ito sa Data Privacy Act ngunit posibleng makatulong ang rekomendasyon ng Parents Teacher Association o PTA.
Naniniwala ang lokal na pamahalaan sa benepisyo at ginhawang maidudulot ng CCTV upang mabantayan ang parehong guro at mag-aaral.
Sinang-ayunan naman ng karamihan ang mungkahing panukala para madisiplina ang sinumang mambubully kasabay ng angkop na interbensyon katuwang ang mga magulang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









