Paglalagay ng CCTV sa mga Pangunahing Lansangan, Tututukan sa Diffun, Quirino!

40

Tinututukan ngayon ng pamahalaang lokal ng Diffun, Quirino ang paglalagay ng mga CCTV Camera sa mga pangunahing lansangan ng Diffun.

Ito ang impormasyong ibinahagi ni mayor Marlo Guillermo ng bayan ng Diffun sa naging panayam sa kanya.


Aniya, nasa mahigit tatlumpungmga CCTV cameras ang nakatakdang ilagay sa mga lansangan kabilang na sa palengke ng naturang bayan.

Layon nito na mamonitor ang mga residente na gumagawa ng labag sa mga batas at ordinansa na ipinatutupad sa bayan ng Diffun.

Dagdag pa niya ay maglalagay sila ng command center kung saan ay 24/7 ang monitoring upang matiyak at makita ang mga gumagawa ng iligal.

Ayon pa sa alkalde bagamat mababa naman ang kaso o bilang ng kriminalidad sa bayan ng Diffun ay nais parin nilang makatiyak sa seguridad sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments

From Advertisers