Paglalagay ng dog stations sa shopping malls, isinulong sa Kamara

Sa harap ng tumataas na bilang ng mga Pilipino na may alagang aso ay inihain ni Parañaque Representative Edwin Olivarez ang House Bill 7108 o panukalang “Dog Stations in Shopping Malls Act”.

Inoobliga ng panukala ni Olivarez ang shopping malls na maglagay ng kahit isang dog station kung saan maaaring iwan ang mga alagang aso habang naglilibot o namimili ang kanilang amo.

Sa panukala ay pinapatiyak ni Olivarez na kwalipikado ang mga tauhan na magbabantay sa dog stations at titingin sa kapakanan ng mga alagang aso.


Ayon kay Olivarez, mainam na magkaroon ng kampanya o mga hakbang na magbibigay proteksyon sa ating mga alagang hayop lalo at patuloy ang pagdami ng mga Pilipino na may alagang aso.

Binanggit ni Olivarez na sa ngayon ay halos siyam na milyong pamilya na sa buong bansa ang may alagang aso.

Facebook Comments