Paglalagay ng elevator sa mga EDSA Busway, target tapusin ngayong buwan

Puspusan na ang ginagawang paglalagay ng Department of Transportation o DOTr ng mga elevator sa mga busways sa kahabaan ng EDSA.

Layunin nitong mapadali ang biyahe ng mga Persons with Disabilities at Senior Citizens.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOTr Undersecretary Andy Ortega ng Road Transport and Infrastructure na may limang bus stations na ang nalagyan ng elevator.


Kabilang dito ang Taft Avenue at Guadalupe sa Makati.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang DOTr sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MERALCO upang matapos ang proyekto at maging operational na ito sa katapusan ng Hunyo o unang linggo ng Hulyo.

Gayunpaman, sinabi ng DOTr na hindi lahat ng bus stations ay malalagyan ng elevator dahil sa mga limitasyon sa sukat at espasyo.

Facebook Comments