Cauayan City, Isabela- Sinimulan na ng Engineering team ng DPWH region 2 ang paglalagay ng “Geotextile Tube” sa Cagayan River Dredging Project sa kahabaan ng project site sa Bangag, bayan ng Lallo.
Ang Geo Tube ay isang bagong teknolohiya na nagsisilbing ‘embankment’ na proteksyon ng pampang ng ilog mula sa karagdagang pagguho.
Ayon kay Engr. Abcede Andumang, Division manager, ang mga dredged materials mula sa ilog ay pinupuno sa loob ng tubo na tatagal ng 50 taon.
Patuloy naman na nagsasagawa ng mga aktibidad sa dredging sa lugar ng Gattaran partikular sa pag-alis ng ‘islet sandbar’ sa gitna ng Cagayan River, upang bigyang-daan ang mas malawak at mas malalim na daanan ng tubig.
Apektado naman ang trabaho ng DPWH dahil sa masungit na panahon dulot ng walang humpay na ulan.
Tinutukoy din nila ang mga access road na magdadala ng mas mabibigat na kagamitan sa site upang mapabilis ang mga aktibidad sa dredging.
Facebook Comments