Paglalagay ng green lane para sa vaccinated aliens, suportado ng Bureau of Immigration

40

Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang panukalang payagan nang makapasok sa Pilipinas ang fully-vaccinated na mga dayuhan.

Layon nito na makabangon ang industriya ng turismo ng bansa kasabay ng pagbubukas ng mga border sa bansa.


Malaki rin aniya ang magiging tulong nito sa commercial aviation at sa shipping industries na higit na naapektuhan ng pandemya.

Kumpiyansa naman ang BI na anuman ang maging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay tiyak na masusi itong napag-aralan.

Facebook Comments