Thursday, February 26, 2026

Paglalagay ng malaking drainage sa Araneta Avenue sa Quezon Citu, natapos na ng DPWH

Natapos na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paglalagay ng mas malaking drainage sa kahabaan ng G. Araneta Avenue sa Quezon City.

Ito’y upang maibsan and hirap ng mga tao dahil sa pagbaha sa lugar, bilang parte ng programang Oplan Kontra Baha.

Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, tuloy-tuloy ang ginawa nilang trabaho para masiguro na mabilis matatapos ang naturang proyekto.

Aniya, mas malaki nang triple ang laki ng drainage sa G. Araneta Avenue kaya’t asahan ng publiko na hindi na magkakaroon ng pagbaha kapag tag-ulan o may bagyo.

Ipinag-utos din ni Dizon ang paglalagay ng mobile pumps habang hindi pa tapos ang pumping station sa E. Rodriguez.

Bukod dito, inatasan niya ang DPWH-NCR na ituloy-tuloy ang dredging at paglilinis sa San Juan River upang maging maayos ang daloy ng tubig at walang basura ang makikitang nakabara dito.

Facebook Comments