PAGLALAGAY NG MGA OUTLET AT MAAYOS NA DRAINAGE SYSTEM, NAKATAKDANG ISAGAWA SA BANGUSVILLE, BONUAN GUESET DAGUPAN CITY

Sinusuri na ng City Engineering office ng Dagupan City ang paglalagay ng outlet at maayos na drainage system sa bahagi ng Bangusville, Bonuan Gueset upang masolusyunan na ang matagal nang problema sa baha ng mga residente roon.

Ayon sa City Engineering office, walang labasan ng tubig sa lugar kaya madalas na maranasan ng mga residente ang pagbaha.

Para sa takdang pagsasagawa nito, nagkaroon rin ng dayalogo ang alkalde kasama ang business sector, agricultural sector, hatchery owners at home owners ng Pagkakaisa at Bangusville, kasama ang City Engineering Office at Bonuan Gueset council.

Tiniyak ng alkalde na sa tama at nararapat na mga proyekto lalo na sa usapin ng mga flood control projects napupunta ang buwis ng bayan.

Tiniyak rin nito ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng mga proyekto upang maibsan na ang dinaranas sa pagbaha ng mga barangay na apektado sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments