Dahil sa layunin ng Public Order and Safety Office Urdaneta City na mabawasan ang mga naitatalang mga vehicular accident sa lungsod ay nilagyan na ng mga signages ang iba’t ibang mga lugar na kadalasan nagkakaroon ng insidente.
Ayon sa POSO Chief ng Urdaneta City na si Francisco Serafica ay isa umano sa gagawin nilang solusyon sa insidente sa mga accident prone areas ay ang paglalagay ng mga signages kung saan ayon sa kanya, halos gabi-gabi umano kung magkaroon ng insidente sa bahagi ng Bypass Road sa lungsod.
Dagdag pa niya ay agad namang narerespondehan ng mga rescue group ang mga nagaganap na insidente.
Sinabi pa nito na wala umanong nakalagay na mga caution signages kung kaya’t kanila ng nilagyan ang mga lugar.
Samantala, magkakaroon umano ng pagpupulong ngayong araw ng Huwebes, alas 2 ng hapon sa ByPass Road kasama ang gobernador ng Pangasinan kasama ang mga kawani ng LGU Urdaneta para sa mga ilalantad na proyekto para masolusyunan ang mga problema gaya na lamang ng mga vehicular accidents. |ifmnews
Facebook Comments