Paglalagay ng motorcycle barriers, pinalawig pa hanggang Hulyo 31

Muling pinalawig hanggang Hulyo 31, 2020 ang deadline para sa paglalagay ng motorcycle barriers.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazer, ang extension ay dahil na rin sa pakiusap ng mga motorista na bigyan pa sila ng mas mahabang panahon para makasunod sa pangunahing requirement para sa back-riding.

Aniya, naabisuhan na ang mga motorcycle dealer sa buong bansa kung saan makabibili ang riders ng aprubadong barrier design.


Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa Department of Trade and Industry (DTI) para tiyaking hindi mabibili sa merkado ang mga substandard barrier.

Una nang pinayagan ng national government ang back-riding noong Hulyo 10 pero dapat magkaroon ng harang sa pagitan ng driver at angkas nito na kaniyang asawa o live-in partner..

Kasabay nito, tiniyak ni Eleazar na nakikipagtulungan na siya kay Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa para sa pagpapakalat ng deadline extension.

Facebook Comments