Paglalagay ng Muslim prayer rooms sa mga gusali ng gobyerno at private establishments, isinulong sa Kamara

Pinalalagyan ni Congressman Mujiv Hataman ng Muslim prayer rooms ang bawat gusali ng gobyerno, tulad ng mga ospital, hospital, military camp gayundin ang mga pribadong establisymento gaya ng mall at factory.

Nakapaloob ito sa House Bill 7117 na inihain ni Hataman para sa malaking populasyon ng mga Muslim sa bansa.

Paliwanag ni Hataman, kadalasan ay hirap maghanap ng lugar ang mga kapatid nating Muslim para gawin ang limang beses nilang pagdarasal kada araw.


Base sa panukala, ang itatayong prayer rooms ay depende sa pangangailangan at sa magiging rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.

Facebook Comments