Iminungkahi ni Bukidnon 2nd District Representative Jonathan Keith Flores ang paglalagay ng non-invasive body search assets sa National Bilibid Prisons (NBP) tulad ng mga makinang ginagamit sa major airports at mga drug-sniffing dogs.
Hiling ito ni Flores sa Department of Justice (DOJ) at sa Department of Budget and Management (DBM) makaraang mapaulat kamakailan ang aniya’y nakakabahalang strip search sa isang senior citizen na ginang na bumisita sa kanyang asawa sa Bilibid.
Ayon kay flores, habang walang pang pondo para sa mga kailangang kagamitan ay maaring humiram muna ang DOJ at Bureau of Corrections sa Office of Transportation Security kung mayroon itong spare equipment na puwedeng ipahiram.
Bukod dito ay inirekomenda din ni Flores na magsagawa ng training sa gender sensitivity at respect for senior citizens ang mga mga jail guard ng NBP at iba pang mga pasilidad ng Bureau of Corrections.