Paglalagay ng OFW lounge sa NAIA Terminal 1, labis na ipinagpasalamat ng isang kongresista

Ikinalugod ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagsasakatuparan sa kanyang panawagan na magkaroon ng VIP lounge sa paliparan para sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Pahayag ito ni Magsino makaraang pasinayaan ng ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Transportation (DOTr), kasama si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang OFW lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nagpasalamat na rin si Magsino sa planong paglalagay ng isa pang OFW lounge sa NAIA Terminal 3.


Magugunitang sa isinagawang budget deliberations noong September 2023 ay iginiit ni Magsino sa DOTr ang pagkakaroon ng OFW lounges sa mga paliparan sa bansa.

Diin ni Magsino, marapat lamang na magkaroon ng lugar sa mga paliparan kung saan maaring magpahinga at maging komportable ang mga OFW.

Facebook Comments