Paglalagay ng PAF fighter jets sa Palawan, isinulong ng Liderato ng Kamara

Iminungkahi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtatalaga o pagdestino ng dalawa o tatlo sa 12 fighter jets ng Philippine Air Force (PAF) sa Palawan para makapag-patrolya sa Philippine airspace.

Suhetsyon ito ni Romualdez, matapos ang isa na namang insidente ng pambobomba ng tubig at pagbangga ng China Coast Guard (CCG) ship sa Philippine resupply ship sa Ayungin Shoal kamakailan.

Nilinaw naman ni Romualdez na ito ay hindi dapat ituring na paghahamon ng PAF sa China kundi pagtupad lang sa kanilang mandato na bantayan ang himpapawid ng ating bansa.


Plano ni Romualdez na talakayin kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner at sa mga hepe ng Airforce, Navy, at Army sa mga susunod na araw ang naturang idea.

Sinuportahan naman ni Palawan Rep. Jose Alvarez ang gusto ni Romualdez.

Nagpahayag din umano ng pag-sang-ayon dito ang hepe ng Western Command na si Vice-Admiral Alberto Carlos upang lalong mapataas ang moral ng ating pwersa sa lugar lalo na ang mga mangingisda.

Facebook Comments