Paglalagay ng pangalan ng mga kandidato sa website ng Comelec matapos ang COC filing, inirekomenda

Inirekomenda ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa kanilang En Banc na ilagay sa website ang pangalan ng lahat ng mga kandidato dalawang linggo pagkatapos ng huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Ayon kay Garcia, ito ay upang maging transparent sa publiko sa mga pangalan ng mga tatakbo sa halalan.

Sa pamamagitan nito ay masusuri ng mga botante ang mga kandidato sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.


Ito ang unang pagkakataon na gagawin ng Comelec ang pagpapaskil ng pangalan ng mga kandidato sa kanilang website.

Makatutulong din aniya ito para masuri ng publiko kung totoo o hindi ang mga detalyeng inilagay ng mga kandidato sa kanilang inihaing COC.

Facebook Comments