Paglalagay ng panibagong Dam solusyon sa problema sa kakulangan ng supply ng tubig ayon sa MWSS

Iminungkahi ng Manila Water Sewerage System na kinakailangan na maglagay ng Dam upang maresolba ang problema ng kakulangan ng tubig sa Metro Manila.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Maynilad Engr. Ronaldo Padua na base sa kanilang pag-aaral sa supply and demand mayroon gap sa taong 2020 o kaya sa 2023 kaya napapanahon ng maglagay ng  DAM.

Paliwanag ni Padua posibleng ang sagot ng kakulangan ng supply ng tubig ay ang mungkahi ng MWSS na maglalagay ng Kaliwa at Kanan Dam dahil noon pang taong 2010  ay nagkaroon na ng  El Niño.


Dagdag pa ni Padua na ang nakikita talaga na solusyon ng kakulangan ng supply ng tubig ay ang Kaliwa Dam ang tubig na mula sa Laguna at Manila Bay ay kailangan ng maraming Water Treatment at mas mura pa umano kumpara sa kasalukuyang pingkukunan.

Normal na aniya sa Angat Dam na kapag malakas ang ulan ay maraming tubig ang nakimbak at kapag tag init o walang ulan ay wala rin tubig pero sa kabilang bundok kapag tagtuyot ay may ulan pa rin kaya mas pakinabangan umano ang Kaliwa Dam.

Facebook Comments