Paglalagay ng pasilidad para maging pagawaan ng baterya, planong itayo sa Pilipinas upang mapadali ang mineral extractions gaya ng cobalt at nickel

Hindi lang mineral extraction ang target na gawin ni Pangulong Bongbong Marcos kundi maging ang pag-produce ng batteries para sa local value chain.

Pero ayon sa presidente, kailangan ng teknolohiya at malakas na partisipasyon ng mga industriya para mabuo ang plano.

Dagdag pa ng pangulo sa harap ng mga Amerikanong sundalo, mabagal ang pagkilos ng mineral resources sa bansa.


Kaya gusto ng pangulo ang posibilidad na makapag-produce ang Pilipinas ng batteries basta gagamitin ng green metals gaya ng cobalt at nickel.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa harap ng mga Amerikanong negosyante sa Blair House sa Washington DC.

Naniniwala ang pangulo na ang local battery production sa tulong ng mga foreign technology at capital ay maaring maging solusyon sa problema sa suplay sa enerhiya at iba pang energy-related issues.

Dagdag pa ng pangulo, pinagsusumikapan ng gobyerno na mabago ang tradisyunal na paggamit sa fossil fuels patungo sa renewable energy.

Facebook Comments