Hindi na ipatutupad ng Land Transportation Office (LTO) ang double plaka sa mga motorsiklo.
Kumbinsido si LTO Chief Edgar Galvante na delikado ang paglalagay ng malaking metal plate sa unahan ng motorsiklo dahil posible itong matanggal, lumipad at makapinsala o makasakit.
Bukas si Galvante sa mga mungkahi na sa halip malaking metal plate ay decal o kaya ay RFID na lang ang ikakabit sa unahan ng motorsiklo.
Kasabay nito, nangako si Ejercito na paaamyendahan ang batas para mabawasan ang mga mabibigat na parusa habang babantayan ang pagbuo sa Implementing Rules and Regulations (IRR) upang matiyak na magiging pabor din ito sa mga rider.
Batay sa Republic Act No. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act, dapat may sukat na 7 by 8 inches ang plaka, mababasa ang numero at letra ng hanggang 15 metro at gagawin din itong color coded.