PAGLALAGAY NG PLASTIC SA ILAW NG PANINDANG KARNE SA DAGUPAN CITY, INIREREKLAMO

Iminungkahi ng ilang mga meat vendors sa kapwa nila mga tindero at tindera sa Dagupan City ang nararapat at patas na pagbebenta ng mga produktong karne.

Kasunod ito ng isinangguning reklamo sa IFM News Dagupan na umano’y pagbabalot ng de-kolor na plastic sa bumbilya upang magmukhang mapula-pula at fresh ang mga karneng kanilang ibinebenta.

Ayon sa ilang mga nakapanayam ng IFM News Dagupan, napapansin umano ng ilan sa mga tindera ay may isinasagawang paghahalo ng frozen sa kanilang bentang fresh meat.

Mainam na raw ang mga nagbebenta ng frozen dahil alam na ng mga mamimili na frozen ang kanilang benta, kumpara sa mga tukoy na nagbebenta ng sariwa bagamat hinahaluan ng frozen.

Samantala, inihayag ng mga ito ang pagsasaalang-alang din dapat sa mga karapatan ng mga consumer dahil kung ipagpapatuloy ang ganitong kalakaran ay ito ay isa ng uri ng panloloko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments