Aminado ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na panahon na para maglagay ng harang sa platform ng mga istasyon ng tren.
Kasunod ito ng pagpapakamatay ng isang 73-anyos na babae sa riles ng tren sa Quezon Avenue station.
Ayon sa MRT-3 management, nakapaloob na umano sa plano ng ongoing railway projects gaya ng North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway Project ang paglalagay ng platform screen doors.
Gayunman, wala pang pondo ang MRT-3 para sa konstruksyon ng naturang safety measures sa platform.
Kaya pansamantala, mag-iikot muna ang mga station personnel at security services para bantayan ang kahina-hinalang galaw ng mga pasahero upang hindi na maulit ang insidente ng pasahero na nahulog sa riles ng tren.
Facebook Comments