Paglalagay ng police gunboats at customs outpost sa Pag-asa Island, isinulong sa Kamara

Umaasa si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na maglalagay ang Philippine National Police Maritime Group ng high-speed gunboats nito sa Pag-asa Island at sa hilagang bahagi ng Spratly Island.

Layunin ng suhestyon ni Pimentel na mapalakas ang itinayong detachment ng police maritime group sa Pag-asa.

Bukod dito ay iginiit din ni Pimentel na mag-deploy ng mabibilis na patrol boats sa Pag-asa ang Bureau of Customs (BOC) Enforcement Group’s Water Patrol Division.


Ayon kay Pimentel, ito ay para maproteksyunan ang ating border laban sa mga smugglers.

Para kay Pimentel, makabubuti din na tayuan ng mahalagang ahensya ng gobyerno ang Pag-asa at mas lalong mainam kung titirahan ito ng Pilipino tulad mga mangingisda.

Facebook Comments