Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-aaral sa kung anong uri ng harang o barrier ang ilalagay para maprotektahan ang mga siklista sa bike lanes sa EDSA.
Ayon kay MMDA Spokesperson, Assistant Secretary Celine Pialago, ikinukonsidera ng MMDA ang ilang options para sa harang na ilalagay para maihawalay ang bike lanes at sa iba pang vehicle lanes.
Sinabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang isang lane sa EDSA ay itinalaga nang bike lane at nasa 1.5 meters ang lapad nito mula sa sidewalk o bangketa.
Nabatid na inumpisahan na nitong weekend ang paglalatag ng bike lanes sa EDSA bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng gumagamit ng bisikleta lalo na at limitado pa rin ang pampublikong transportasyon.
Facebook Comments